Nanindigan ang Department of Health (DOH) na panatilihing ‘mandatory’ pa rin ang pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Rosario Vergeire, ito ang naging posisyon ng ahensya sa unang pagpupulong ng pandemic task force kahapon.
Mababatid na una nang itinulak ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na alisin na ang polisiya sa sapilitang pagsusuot ng face mask sa outdoor o open space na hindi matao at may maayos na ventilation.
Samantala, binigyang-diin naman ni Vergeire na ang rekomendasyon ng IATF ay ipapatupad lamang sa mga low-risk setting at mga low-risk na indibidwal.