Inihayag ni vaccine expert panel dr. Rontgene solante, na hindi na dapat pinahahaba pa ang mandatory 14-day quarantine period sa bansa.
Kasunod ito ng bagong alituntunin sa mga biyaherong fully vaccinated na dapat magkaroon ng negatibong resulta ng RT-PCR test na isinagawa sa loob ng 72 oras bago umalis sa pinagmulang bansa.
Ayon kay Solante, sapat na ang 14 na araw upang masubaybayan at maobserbahan ang mga nagpositibo sa virus.
Matatandaang nagpositibo sa Omicron variant ang dalawang indibidwal kung saan, ang isa dito ay galing sa Japan habang ang isa naman ay mula sa Nigeria. —sa panulat ni Angelica Doctolero