Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang mandatory registration ng sim cards sa bansa.
Sa botong 22-0-0, inaprubahan ang Senate Bill 2395 o ang Sim Card Registration Act na nag-aatas na irehistro ang mga sim card upang mapigilan ang mga scam at internet-based transactions.
Sa ilalim ng panukala, kailangang magprisinta ng government-issued ID o anumang proof of identity ang mga bibili ng sim card.
Ang mga indibidwal na mamemeke o magbibigay ng maling impormasyon ay maaaring masentensyahan ng hanggang 12 taong pagkakataon habang ang mga sim card seller naman na ilegal na magbibigay ng impormasyon ng buyer ay pagmumultahin ng hanggang 200,000 piso.