Hindi na magpapatupad ng mandatory repatriation sa mga Pilipino sa Iran at Lebanon ang pamahalaan ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, matapos niyang makatanggap ng impormasyong ibinaba na sa level 2 ang alerto sa Lebanon habang wala nang alert level sa Iran, bagama’t hindi pa aniya ito opisyal.
Sa kabila nito, sinabi ni Bello na pansamantala pa ring suspendido ang pagpoproseso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa deployment application ng mga manggawa sa Iran at Lebanon.
Samantala, tuloy naman aniya ang mandatory evacuation ng mga OFWs sa Iraq gayundin ang deployment ban dito.