Isinusulong ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagtanggal sa mandatory age sa pagreretiro ng mga manggagawang senior citizens sa private sector.
Sa kanyang House Bill 3220, nais i-repeal ni Ordanes ang compulsory age na 75 na itinatakda sa Labor Code of the Philippines.
Nakasaad sa kanyang panukala na dapat magkaroon ng “Choice” ang mga edad 75 kung magpapatrabaho pa basta’t kwalipikado na dapat namang patunayan ng employer.
Layunin anya ng panukala na magpatuloy sa pagtatrabaho ang mga senior citizen basta’t may kakayahan at malakas pa ang mga ito.
Kailangan lamang magpakita ng clearance galing sa mga doktor na nagsasaad na ‘fit to work’ pa rin ang mga lolo’t lola.