Nakatakdang magsagawa ng mandatory review ang bids and awards committee ng COMELEC.
Ayon kay COMELEC chairman Sheriff Abas, walang nagsumite ng bid para sa rerentahang dagdag na sampung libong vote counting machines para sa 2022 National Elections.
Sinabi ni Abas na sa mandatory review malalaman kung kailangan pang ituloy ang biddng o gagamitin na lamang ang 97,000 VCMs na ginamit sa nakalipas na eleksyon.
Ipinabatid ni Abas na sakaling hindi madagdagan ang VCMs, mananatili sa 1K ang mga botanteng ilalaan sa bawat voting precinct, subalit uubra itong maging 800 na lamang kapag nakapagrenta ng dagdag na sampung libong VCMs.