Wala pang tinatalakay sa Department of Education (DepEd) hinggil sa planong gawing mandatory ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) Mandatory.
Tugon ito ng kampo ni presumptive vice president Inday Sara Duterte-Carpio sa pahayag ni Atty. Bruce Rivera na talagang prayoridad ng alkalde ng Davao City na ibalik ang Mandatory ROTC.
Matapos italaga ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior na susunod na DepEd secretary.
Ayon kay Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, tagapagsalita ni Duterte-Carpio, bagaman umaasa si Mayor Inday na magampanan ang tungkulin bilang susunod na DepEd secretary, nirerespeto naman nito ang transition process.
Dapat anyang hintayin na lamang muna ang opisyal na proklamasyon bago talakayin ang naturang issue.
Magugunitang itinalaga ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior si Duterte-Carpio bilang susunod na kalihim ng DepEd sa sandaling opisyal nang umupo ang bagong administrasyon.