Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang gawing mandatory para sa senior high school students na sumalang sa Reserved Officers Training Program (ROTC).
167 ang bumoto para maaprubahan, 4 ang tumutol at walang nag-abstain, nakasaad sa House Bill 8961 ang pag-institutionalize, development, training, organization at administration ng basic ROTC sa grades 11 at 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Pangunahinbg isinusulong ng panukala ang pagbuhay sa spirit of nationalism, nation building at paghahanda sa pangkalahatan sa mga kabataang Pilipino.
Ang pagsailalim sa basic ROTC program ay pre-requisite para maka-grduate ang mga nasa grades 11 at 12.
Inatasan sa panukala ang kalihim ng Department of National Defense sa pakikipag-usap sa Department of Education at TESDA para isulong ang organization at gawin ang operational manual ng ROTC units.