Hinikayat ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante ang pamahalaan na gawin nang mandatory ang pagturok ng COVID-19 booster dose sa general population.
Ayon kay Solante, malaking tulong ito para mapataas ang proteksiyon ng publiko laban sa nakakahawang sakit.
Naniniwala si Solante na ang booster shots ng COVID-19 ay importante bilang paghahanda na rin sa nalalapit na face-to-face classes ng mga mag-aaral para sa School Year 2022-2023.
Sinabi ni Solante, na nagmu-mutate ang COVID-19 dahil sa mga bagong variant ng virus kung saan, posible pang tumaas ang mga maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Muli namang nanawagan sa publiko si Solante na magpa-booster shots na para maiwasan ang pagkalat at pagsirit ng COVID-19.