Kinansela ng Cebu government ang mandatory use ng air purifiers para sa Public Utility Vehicles sa lalawigan.
Iyan ay kinumpirma ng ilang opisyal ng Cebu capitol.
Ayon sa manager ng isang bus terminal sa Cebu, natanggap na nila ang ang kautusan mula sa kapitolyo na nagbibigay oras para sa pagkuha ng air purifiers.
Matatandaang naglabas si Cebu governor Gwen Garcia ng memorandum na nag-aatas sa mga operator ng PUV sa Cebu na gumamit ng air purifiers para sa paglaban sa COVID-19.-–sa panulat ni Rex Espiritu