Pabor ang Commission on Human Rights sa mandatory COVID-19 vaccination basta’t sa kondisyong hindi nito lalabagin ang karapatang pantao.
Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann De Guia, isang komplikado ng issue ang mandatory vaccination dahil kailangang tiyakin na protektado ang human rights ng bawat isa.
Kailangan anyang boluntaryo ang pagpapabakuna hanggang matiyak ng gobyernong may sapat na supply ng bakuna, madali itong ma-access at sapat ang kalidad, dahil kung hindi ay magreresulta ito sa diskriminasyon.
Una nang inihayag ng Department of Health na pinag-aaralan na nila ng inter-agency task force ang pagpapatupad ng mandatory vaccination upang makamit sa lalong madaling panahon ang herd immunity.—mula sa panulat ni Drew Nacino