Isinusulong ng Inter Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF MEID) ang mandatory vaccination laban sa COVID-19 sa gitna ng pagsirit ng kaso ng virus nitong nagdaang kapaskuhan.
Binigyang diin ni DILG Secretary Eduardo Año na wala pa tayong batas para rito ngunit may kapangyarihan ang mga Local Government Units o LGUs na ipatupad ang naturang panukala.
Paliwanag pa ni Año, pinag-iisipan ng IATF ang mas mura o libreng COVID-19 tests habang pinag-aaralan na rin ng gobyerno ang libreng Antigen test kits.
Samantala, sinabi pa ni Año na wala pang malinaw na napagkakasunduan ang task force members hinggil sa libre o mas murang COVID-19 testing kits.