Posibleng paboran na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa oras na mag-desisyon itong gawing mandatory o sapilitan ang COVID-19 vaccination.
Tugon ito ni Pangulong Duterte sa gitna ng banta ng COVID-19 Omicron variant.
Sa kanyang Talk to the People kagabi, inihayag ng pangulo na ito na marahil ang tamang panahon upang ipatupad ang mandatory vaccination.
Bagaman may ilan pa ring tumututol, hindi anya malayong gumamit na ang gobyerno ng kamay na bakal o police powers upang mapilitan ang mga Filipino na magpaturok.—sa panulat ni Drew Nacino
“Yung ayaw magpabakuna madali lang naman yan, mamili ka matagal kang mabuhay o gusto mo nang mamatay. Ngayon, itong mga taong ayaw magpabakuna, if the task force to make it mandatory. Mamili kayo, talagang … because its not a question, ito ay human rights actually to protect public health the diministral functions of government govern and issue measures to protect public health, public safety, public order its in the police state. Dito maingay ang human right, walang problema kung ayaw magpabakuna ’wag ka magpabakuna.