Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque, III na tinitingnan na nila ang posibilidad na gawing mandatory ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga guro.
Aniya, sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na malaking suliranin kung mayroong mga guro na tumatangging magpabakuna.
Ngunit sa ngayon aniya ay mas maraming guro na ang nais na magpabakuna, at bumaba na sa 8% ang vaccine hesitancy rate sa bansa.
Tanging mga bakunadong guro ang pinapayagang lumahok sa expansion phase ng face-to-face classes.
Ayon sa DepEd, aabot sa 1,726 na paaralan ang nagsasagawa ng limited in-person classes.