Pinag-aaralan ngayon ng mga otoridad na gawing mandatory ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga nagbebenta sa mga tiangge.
Paliwanag ni MMDA Chairman Benhur Abalos, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa gayong ang mga tumatao sa mga tiangge at night market ay nagmula sa iba’t ibang mga lugar.
Malaking hamon aniya kasi ito sa pagsasagawa ng contact tracing.
Sinang-ayunan naman ito ang Palasyo at sinabing walang karapatang malalabag dito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala silang nakikitang mali sa mungkahing ‘No Vaccine, No Tiangge’, dahil para rin ito sa ikabubuti ng mga mamamayan. —sa panulat ni Hya Ludivico