Kailangang gumawa ng mga tinatawag na drastic move ang Pamahalaan upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19
Ito ang inihayag ni National Task Force against COVID-19 Chair at Defense Sec. Delfin Lorenzana makaraang suportahan nito ang panukalang mandatory vaccination kontra sa virus.
Ayon sa Kalihim, bagaman kakailanganin ng batas para maobliga ang mga Pilipino na magpabakuna ay may mga hakbang naman na maaaring gawin.
Ilan sa mga ito ay ang pagbabawal sa hindi pa bakunado na bumiyahe, pag oobliga sa kanilang sumailalim sa RT-PCR test 72 oras bago pumunta sa mga mall, pasyalan, kainan, stadium atbp.
Sa ganitong paraan aniya, mapipilitan ang mga hindi pa nababakunahan na magpaturok na upang hindi na maging carrier ng virus at maiwasan na rin silang maging liability ng Pamahalaan sakaling sila’y tamaan ng COVID-19.