Uubrang gawin ang mandatory na bakunahan kontra COVID-19 sa bansa.
Ito ang ipinahayag ni Presidential Harry Roque kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrio Duterte na ipakukulong ang mga taong ayaw magpabakuna.
Nilinaw ni Roque na dapat may legal na basehan gaya ng ordinansa o batas na papataw ng parusa sa mga indibidwal na ayaw magpaturok ng bakuna.
Kung tutuusin aniya mabilis itong hilingin sa Kongreso.
Samantala, umaaasa ang pangulo na hindi na aabot sa punto na kailangan arestuhin ang mga indibidwal na ayaw magpabakuna.
Layon ng banta ng pangulo na ipakita kung ano ang kaya at maaaring gawin ng estado upang maproteksyonan lamang ang bansa laban sa COVID-19.
Sa ngayon, hindi pa kayang ipatupad ang naturang batas lalo na’t limitado pa lamang ang supply ng bakuna sa bansa.