Umapela sa pamahalaan ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na ibalik na ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.
Sa gitna ito ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansa.
Ayon kay PHAPI President Jose Rene De Grano, naobserbahan nilang tumaas ang active at daily cases ng COVID-19 sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo.
Pero hindi nila masabi kung dahilan ng pagtaas ang boluntaryo nang pagsusuot ng face mask.
Sa kabila nito, pinayuhan naman ni De Grano ang publiko na magsuot pa rin ng face mask kahit nasa labas ng bahay lalo’t tumataas ang kaso.
Matatandaang una rito sinabi ng Department of Health (DOH) na tumaas ng 22% ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 mula September 19 hanggang 25 kung ikukumpara noong naunang linggo.