Inirekomenda ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes na isailalim sa state of calamity ang kanilang lunsod kasunod ng mga naranasang pagbaha dulot ng matinding pag-ulan.
Sa social media post, sinabi ni Cortes, na kanilang natalakay ang rekomendasyong ito sa ginanap na Emergency meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council nitong nakalipas na Biyernes.
Ayon sa Alkalde, kailangang maisailalim sa state of calamity ang kanilang lugar upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga flood victims tulad ng pagsasaayos ng kanilang mga nasirang tahanan at pagbibigay ng pinansyal na ayuda.
Nais din aniyang makapagsagawa ng round-table discussion kasama ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan upang mapag-usapan ang mga solusyon na maaring gawin para maresolba na ang mga nararanasang pagbaha sa kanilang lugar.
Tinatayang aabot sa 467 families ang inilikas mula sa siyam na barangay doon at pansamantalang nanatili sa mga evacuation center.
Naglunsad naman ng Emergency Session ang City Council upang talakayin ang rekomendasyon ng Alkalde.