Isinailalim sa lockdown ang Mandaue City Police Station 5 sa Barangay Centro sa naturang lungsod.
Ito ay matapos mag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang preso at isang pulis dito.
Ipinabatid ni Police Executive Master Sergeant Enrico Iway na ang preso ay nakakulong na sa police station simula pa nuong Mayo 24 subalit isinailalim ito sa swab test para sa kaniyang nakatakdang paglaya at nagpositibo sa nasabing virus.
Kaagad namang dinala sa designate quarantine center ang naturang preso.
Kasunod nito ang pagsasagawa ng contact tracing at swab testing sa lahat ng mga pulis at bilanggo sa nasabing police station.
Nagsasagawa na rin ng disinfection habang naka lockdown ang naturang istasyon ng pulisya