Pinuri ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng manggagawa sa Pilipinas, kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day nitong linggo.
Ayon kay CSC chairperson Karlo Nograles, ang mga manggagawa ang isa sa pundasyon ng bansa sa pag-unlad.
Saludo rin si Nograles sa mga manggagawa ng gobyerno at binigyang-diin ang kahalagahan ng proteksyon sa kanila.
Ang mga nagtatrabaho anya buong araw sa kabila ng COVID-19 pandemic ang nagsisilbing makina ng gobyerno upang maipagpatuloy ang programa ng pamahalaan.