Binigyang diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kabilang na ang mga manggagawang nasa sektor ng turismo sa makakatanggap ng ayuda.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, maaaring mag-apply para sa cash assistance ang mga empleyadong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Bukod dito, sinabi rin ni Tutay na maaaring mag-apply online ang sinumang kwalipikadong nasa sektor na may kinalaman sa turismo.
Samantala, sakaling ang kumpanya ang mag-apply para sa mga empleyado, kailangan gumamit ng payroll system upang matiyak ang mga ilalagay sa listahan.— sa panulat ni Rashid Locsin