Nasawi ang isang mangingisda sa Tigbauan, Iloilo matapos siyang matusok ng “Balo” o needlefish na tumalon mula sa dagat.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Rudy Tinasas, 59-anyos.
Ayon sa anak ng biktima na kasama sa bangka, tumalon mula sa dagat ang balo na may matulis at mahabang nguso, at tinamaan sa tiyan ang biktima.
Mabilis namang nadala sa ospital ang kaniyang ama pero idineklarang dead on arrival ng mga sumuring doktor