Bumalik sa pagsasagwan ang mga mangingisda sa Ilagan City, Isabela dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ito lang anila ang kanilang paraan para makatipid sa paggamit ng krudo na kailangan para sa motor.
Namomroblema din ang mga mangingisda dahil sa kaunting huli at mababang bentahan ng mga nakukuhang isda.