Nailigtas ng Philippine Navy ang isang mangingisda na tatlong araw nang nagpapalutang lutang sakay ng kanyang bangka sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa Western Command ng Armed Forces of the Philippines, nakita at nailigtas ng barko ng Philippine Navy ang Palaweñong mangingisda si Albert Carcuevas sa bisinidad ng Dalagang Bukid Shoal.
Ayon kay Carcueva, nangingisda siya sa karagatan ng Rizal Palawan ng magkaroon ng problema sa makina ng kanyang bangka at naanod ito patungong West Philippine Sea kung saan ito tatlong araw na nagpalutang lutang nang walang pagkain at inumin.
Tiniyak naman ng western command na nasa mabuting kalagayan na si Carcuevas at napagbigay alam na rin sa pamilya nito ang pangyayari.