Kung maraming magsasaka ang apektado ng El Niño phenomenon, ang mga mango growers naman nagpapasalamat sa epekto nito sa kanilang mga tanim na mangga.
Ayon kay Mango Growers and Producers Development Corporation President Felipe Gamarcha, na mas lalo pang tumamis ang bunga ng kanilang mga puno ng mangga dahil sa kakulangan sa ulan dulot ng El Niño.
Mula sa 17 hanggang 18 degree brix na sugar content ng mga mangga sa Guimaras ay umakyat ito sa 22 degree brix.
Maliban dito, kakaunti rin lang ang mga umaatakeng fungus sa puno ng mangga kayat malayang nakakapamulaklak at nakakapamunga ang mga manggahan sa Guimaras.
By Ralph Obina