Naglunsad ng programang “Mango on the Go” ang Department of Agriculture (DA).
Layon nito na tulungan ang mga magsasaka para maibenta ang kanilang mga aning mangga.
Ayon kay Bernadette San Juan, director ng agribusiness and marketing assistance service ng DA, malaki ang epekto ng mainit na panahon at nararanasang El Niño sa pagtaas ng produksyon ng mangga.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) umabot sa mahigit 500,000 metriko tonelada ang produksyon ng mangga sa bansa mula Abril hanggang Hunyo.
Samantala, bukod sa tulong na makahanap ng buyer nag-aalok din ang DA ng loan para sa mga magsasaka para mapaghandaan ang susunod na panahon ng pagtatanim at pag-aani ng mangga.