Ipinababasura ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa Korte Suprema ang mga petisyon na kumekwestiyon sa ligalidad ng BOL o Bangsamoro Organic Law.
Ito’y makaraang maghain ng petisyon ang Sulu provincial government na pinangunahan ni governor Abdusakur Tan II at ng PhilConsA o Philippine Constitutional Association hinggil dito.
Ayon kay Mangudadatu, nagpapakita ng suporta ang naging resulta sa ginanap na plebesito noong Enero 21 para sa ratipikasyon ng BOL.
Suportado si Mangudadatu ng kanyang kapatid na si Freddie at kapwa sila pabor sa pahayag ni Solicitor General Jose Calida na hindi labag sa 1987 constitution ang BOL.