Naglabas na ng nationwide manhunt ang Philippine National Police laban sa negosyanteng si Jack Lam alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay arestuhin.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, ang utos na pagtugis kay Lam ay dahil sa kasong bribery at economic sabotage.
Si Lam ay operator ng online gaming sa Fontana, Clark, Pampanga.
Sinabi pa ni Dela Rosa na nagpalabas na rin siya ng kautusan sa lahat ng PNP units sa buong bansa para Arestuhin si Lam, maliban pa ito sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration hinggil sa direktiba ng pangulo.
Samantala, wala namang ideya ang PNP Chief kung mayroon nang inilabas na Hold Departure Order o HDO laban kay lam.
By: Meann Tanbio