Pinaghahanap na ng Quezon City Police District (QCPD) ang security guard na nanloob sa mismong pinagtatrabahuhang drug store nito.
Naganap ito kahapon sa Barangay Dona Josefa sa Quezon City.
Kinilala ng QCPD ang suspek na si Erick Mercado, trenta’y singko anyos at residente ng Barangay Payatas, Quezon City.
Ang Mercury Drug Store sa Banawe St. sa Barangay Dona Josefa ang pinagnakawan ng suspek kung saan sapilitan nitong binuksan ang safety vault ng tindahan.
Hindi naman matukoy ang eksaktong halaga na nakuha ng suspek, na agad tumakas sakay ng motorsiklo patungong Quezon Avenue.