Tuloy-tuloy ang manhunt operations ng mga otoridad sa mga nasa likod ng serye nang pamamaslang sa Negros Oriental.
Ipinabatid ni PNP Chief Oscar Albayalde na apat sa 11 kaso nang pamamaslang sa lalawigan ang naresolba na nila kung saan apat sa mga suspek ay ang nakasuhan na at pito ang natukoy at tinutugis na.
Kabilang sa serye nang pagpaslang sa Negros Oriental ang kaso ng apat na pulis na walang awang pinatay ng mga miyembro ng NPA sa bayan ng ayungon.