Tuloy-tuloy ang manhunt operations ng militar para sa tatlong (3) natitirang miyembro ng Abu Sayyaf sa Bohol.
Ayon kay Clarin Mayor Allen Piezas, nakatanggap sila ng ulat na isa sa mga bandido ang naispatan sa Barangay Buenos Aires sa Tubigon.
Sinasabing nanghingi pa ang naturang rebelde ng tsinelas na agad namang inireport sa mga kinauukulan ng nakakitang residente.
Matatandaang kinilala ng awtoridad ang mga natitirang Abu Sayyaf members sa Bohol na sina alyas Asis, alyas Ubayda at Kaifar Sawadjaan alyas Abu Omarang na pinaniniwalaan ding si Alyas Saad.