Nagpapatuloy ngayon ang manhunt operations sa 3 suspek na hinihinalang may kinalaman sa pamamaril kay DILG CALABARZON Regional Director Renato Brion.
Ito ang kinumpirma ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng CALABARZON Police matapos ang isinagawang case conference.
Stable na ang kondisyon ni Brion na naka-confine ngayon sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa.
Una rito, nag-alok ang Pangulong Noynoy Aquino ng P2 milyong pisong reward para sa ikadarakip ng mga suspek.
By Meann Tanbio