Itinalaga na bilang cardinal-priest ng Parrocchia San Vigilio sa Rome, Italy si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Sa Facebook post ng Parrochia San Vigilio isinapubliko ang ulat, epektibo ngayong araw, April 30.
Hinikayat naman ng simbahan ang publiko na lumahok sa nasabing selebrasyon na magaganap mamayang alas-7 ng gabi.
Nitong Abril 21, nakaharap ni Advincula si Pope Francis at Cardinal Giovanni Battista Re na kasalukuyang dekana ng College of Cardinals.
Si Advincula at Cardinal Luis Antonio Tagle ay kasamam sa pinakahuling listahan ng 117 cardinal electors.