Nanguna si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagsasagawa ng tradisyunal na Easter Vigil sa Manila Cathedral nitong Linggo.
Kagabi ng alas-8 nagsimula ang seremonya sa pamamagitan ng Blessing of the Fire at pagsindi ng paschal candle.
Sumisimbolo ang pagsindi ng Paschal candle sa muling pagkabuhay ni Kristo.
Tumagal nang tatlong oras ang selebrasyon. — sa panulat ni Abby Malanday