Naglabas ng ispesyal na panalangin si Manila Archbishop Luis taGle para sa pagrespeto sa buhay at pagwaksi sa kultura ng kamatayan.
Sa Oratio Imperata para sa mga opisyal ng gobyerno, hinihiling na kalugdan ang mga lider ng bayan ng tunay na paggalang sa buhay ng tao.
Nakasaad sa website ng CBCP, dadasalin ang nasabing Oratio Imperata sa mga Simbahan Katolika sa Maynila mula June 21 hanggang 29, 9 na araw bago opisyal na umupo sa pwesto ang mga bagong lider.
Magugunitang nanawagan si President-elect Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng pabuya sa makahuhuli o makapapatay sa mga drug lord.
By: Avee Devierte