Suportado ng Archdiocese ng Maynila at Makati Business Club (MBC) ang franchise renewal ng ABS-CBN.
Kasabay ito nang apela ng Archdiocese ng Maynila at MBC sa kongreso na huwag haluan ng pulitika ang usapin sa pag-apruba ng prangkisa ng media giant.
Tinukoy ni Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang kahalagahan ng ABS-CBN na katuwang aniya sa paghahatid ng mga impormasyon sa publiko lalo na ngayong nahaharap sa global health crisis ang bansa.
Binigyang diin naman ng MBC na makatutulong sa pag-ahon ng ekonomiya ang muling pag-ere ng media giant dahil madadagdagan ang nakokolektang buwis ng gobyerno at mapapangalagaan nito ang mga trabaho pati na ng mga negosyong nag-aadvertise sa mga programa ng Kapamilya network.