Nagkasa ng penitential walk ang Manila Archdiocese para sa maayos na May 9 Elections.
Ang nasabing aktibidad na sinimulan sa pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ay dinaluhan ng mga pari mula sa iba’t-ibang simbahan sa Maynila at Religious Congregation.
Ang penitential walk ay sinimulan sa GomBurZa Memorial Marker sa Luneta Park hanggang sa Shrine of Nuestra Seniora De Guia sa Ermita.
Isinabay na rin ang penitential walk sa pagdiriwang ng ika-150th anniversary ng martyrdom ng mga paring Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacintro Zamora (GomBurZa). —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)