Makikiisa sa kauna-unahang pagkakataon ang Pilipinas sa ‘Red Wednesday Campaign’ ng Simbahang Katolika para sa patuloy na pag-uusig sa mga Kristiyano sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Dahil dito, kabilang ang mga Katedral ng Maynila at Davao sa 80 simbahan at mga unibersidad na iilawan ng kulay pula simula mamayang gabi.
Ayon kay Jonathan Luciano, National Director of Aid to the Church in Need Philippines, layon nitong magbigay ng atensyon sa mga naghihirap na Kristiyano.
Batay sa kanilang datos, 75 porsyento ng mga pag-uusig sa Kristiyano ay bunsod ng tatlong bagay tulad ng sponsored persecution, fundamentalist nationalism at extremism.
Magugunitang nakaranas din ng extremism ang Pilipinas kasunod ng nangyaring pananakop ng mga terorista sa Marawi City anim na buwan na ang nakalilipas.
—-