Itinanggi ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo na sangkot ang simbahang katolika sa sinasabing destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pabillo, ikinalungkot at ikinagulat niya ang naturang akusasyon na nakasisira sa imahe ng simbahan.
Tila na-i-insecure anya ang administrasyon dahil sa pagbibintang nito na wala namang katotohanan na kalauna’y sasabihing “biro” o babawiin lamang.
Iginiit na Pabillo na dapat ay may pananagutan ang pangulo lalo’t hindi naman dahilan ang freedom of speech upang sabihin kung ano ang lahat ng gusto niya.