Bantay sarado na rin ng mga awtoridad ang Manila Bay ngayong Semana Santa upang pagbawalan ang mga may balak maligo o mag-swimming.
Marami ang nagtutungo sa Manila Bay lalo sa baywalk area upang maligo o lumangoy tuwing mahal na araw batay sa obserbasyon ng Manila Police District (MPD) kaya’t magtatalaga sila ng mga tauhan sa Roxas Boulevard.
Mag-iikot naman ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paligid ng look (lu-ok) mula Baseco hanggang Roxas Boulevard gamit ang rubber boats.
May mga nakatalaga ring rescue team at ambulansya sakaling may mangailangan ng tulong medikal.
Samantala, nanawagan naman ang mga otoridad sa publiko na mamasyal o mag-picnic na lang sa Manila Bay sa halip na maligo lalo’t hindi pa ligtas maligo sa nasabing look (lu-ok).