Umarangkada na ang Manila bay rehabilitation project.
Dakong ala singko ng madaling araw nang magsimula ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng isang seremonya sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.
Pinangunahan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang aktibidad kasama sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Public Works Secretary Mark Villar, acting Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim.
Nasa 5,000 volunteers naman ang lumahok sa solidarity walk na sinundan ng paglilinis sa baywalk area.
Kasabay nito, naglunsad din ng clean-up activities sa Bulacan, Pampanga at Bataan.
DENR Sec Cimatu, DILG Sec Ano, DOT Sec Puyat, DPWH Sec Villar, & DENR officials lead the Solidarity Walk to officially launch the Manila Bay rehabilitation. #BattleforManilaBay#SaveManilaBay#ManilaBayanihanpic.twitter.com/VNolkRb98P
— DENR (@DENROfficial) January 27, 2019
Ilang establisyimento, inisyuhan ng notice of violation
Inisyuhan na ng notice of violation ng Laguna Lake Development Authority ang ilang establisamiyento na nagdudulot ng polusyon sa Manila bay.
Ayon kay DENR undersecretary Benny Antiporda, bagsak sa coliform level na nagcocontribute sa pollution sa Manila bay ang mga establisyimentong ito.
Unang inisyuhan ng Ceased and Desist Order ang Aristocrat restaurant sa Malate Maynila, sunod ang Gloria-Maris at Esplanade.
Tiniyak ng DENR na masususpinde ang Environmental Compliance Certificate ng mga establisyimento ito at Mayor’s permit sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government.
Mismong si DENR Secretary Roy Cimatu ang nanguna sa paghahain ng notice of violations sa mga business establishment.
Ang ibang establisyimento na nakitaan din ng mga paglabag kabilang ang mga hotels ay sasailalim pa sa validation.
LLDA closes Aristocrat Restaurant along Roxas Blvd for violation of RA 4850. #BattleforManilaBay #SaveManilaBay #ManilaBAYnihan pic.twitter.com/bRRcwBPWS8
— DENR (@DENROfficial) January 27, 2019
Sec Cimatu explains to a staff of Gloria Maris Restaurant its closure for violation of Republic Acts 4850 and 9275. #BattleforManilaBay#SaveManilaBay#ManilaBAYnihanpic.twitter.com/4EChkkFKnm
— DENR (@DENROfficial) January 27, 2019
—-