Suportado ng Department of Tourism (DOT) ang plano ng gobyerno na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay.
Kasunod ito ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang mga hotel na nagtatapon ng kanilang mga dumi sa dagat.
Ayon sa DOT, kinikilala nila ang naturang aksyon ng gobyerno ay para sa ikabubuti ng buong tourism industry at nakalinya sa ipinapatupad ng ahensya na sustainable tourism.
Una nang inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na kanilang sisimulan na rehabilitasyon sa manila bay alinsunod na rin sa kautusan ng Korte Suprema na linisin ang coastal areas sa Metro Manila.
—-