Sinisimulan na ng DENR na patambakan nang dinurog na dolomite rocks mula sa Cebu ang bahagi ng baywalk sa Manila Bay.
Ito ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda ay bahagi ng planong gawing mala Boracay ang Manila Bay.
Umalma naman dito si Greenpeace Philippine Campaigner Sonny Batungbacal dahil hindi malilinis ng pagtatapon ng synthetic white sand sa Manila Bay ang maduming kapaligiran nito.
Dinagsa naman ng mga negatibong komento ang nasabing hakbangin ng DENR kung saan ilang netizen ang nagsabing pagsasayang lang ng pera ang nais mangyari ng ahensya at sa halip ay dapat linising mabuti at ayusin ang mga tubo na lalabasan ng tubig patungong Manila Bay.