Tinambakan ng bagong dolomite sand ang Manila Bay kaninang umaga.
Bago magbukang-liwayway ay nagtatrabaho na ang ilang back hoe operators para magbuhos at ayusin ang bagong dolomite sand.
Magugunitang 500 tonelada ng dinurog na dolomite rocks ang inilagay ng gobyerno noong isang taon sa bahagi ng Baywalk area sa Manila Bay bago binuksan sa publiko noong Setyembre.
Una nang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na malaking bagay ang P389-million project para mahimok ang publiko na huwag magkalat o magtapon dito ng basura. —ulat mula kay Aya Yupangco