Bubuksan na ang direct flights mula Manila patungong Brussels, Belgium matapos magkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga opisyal ng Brussels Airport sa sidelines ng ASEAN-European Union Summit.
Sinabi ni Office of the Press Secretary Officer-In-Charge Undersecretary Cheloy Garafil na iminungkahi ng mga opisyal ng Brussels Airport ang pagkakaroon ng direct flight papuntang Pilipinas.
Sinuportahan naman ito ni Arnaud Feist, Chief Executive officer ng Brussels Airport Company at sinabing win-win situation ang Manila-Brussels direct flight para sa dalawang bansa.
Kaugnay nito, agarang nagpahayag ng suporta ang Philippine Airlines upang maikonekta ang mga Pinoy sa Europe. – sa panulat ni Hannah Oledan