Pinaalalahanan ng Manila City government ang publiko na suriin mabuti ang kanilang bibilhing karne ngayong simula na ang ber months.
Ayon kay Manila PIO Chief Julius Leonen, tungkulin ng mga konsyumer na suriin ang kanilang bibilhing mga baboy ngayong dumadagsa na ang bentahan ng mga baboy at karne para sa mga handaan tulad ng noche buena at media noche.
Samantala, tuloy-tuloy parin ang isinasagawang inspeksyon ng Manila Veterinary Inspection Board sa lahat ng pamilihan sa lungsod.
Sa panulat ni Lyn Legarteja