Tiniyak ng Manila City Government na makaaasa ng tulong ang Philippine General Hospital (PGH) na itinalaga bilang isa sa mga referral center sa mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Cesar Chavez, chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno, pinaplantsa na ang mga plano ng lokal na pamahalaan na makatutulong sa PCG bilang referral center.
Sinabi ni Chavez na simula pa lang ng pag-iral ng enhanced community quarantine, tinitiyak na ng lokal na pamahalaan ang tulong partikular sa mga frontliners ng PGH at iba pang mga ospital ng Maynila.
Marami umanong empleyado ng PGH at iba pang ospital sa Maynila ang nabigyan ng pansamantalang matutuluyan sa tulong na rin ng mga hotels at motels sa lungsod.