Wala nang pasok ang mga empleyado at opisyal ng Manila City Hall sa Miyerkoles Santo, Marso 28.
Idineklara ito ni Manila Mayor Joseph Estrada sa ipinadalang memorandum sa lahat ng department heads ng City Hall ng Maynila.
Layon nito na mabigyan ng panahon ang mga empleyado ng City Hall na makapaghanda para sa Huwebes Santo hanggang Pasko ng Pagkabuhay.
—-