Apektado na rin kakapusan ng suplay ng NFA rice ang Manila City Jail.
Ayon sa Manila City Jail Public Information Office, hanggang ngayong buwan na lamang sasapat ang suplay nilang NFA rice.
Sa ngayon ay wala pang balita ang Manila City Jail mula sa NFA Central District Office kung may mabibili pa silang bigas para sa susunod na buwan.
Batay sa tala ng Manila City Jail, aabot sa 45.5 sako ng NFA rice ang nakokonsumo kada araw ng mahigit limanlibo (5,000) nilang preso.
‘Visayas area’
Itinigil na muna ng National Food Authority o NFA ang pagsu-supply ng bigas sa accredited retailers sa Visayas at iba pang bahagi ng Pilipinas.
Kasunod ito nang kinakapos ng supply ng NFA rice.
Kasabay nito, umapela ang NFA sa mga nagbebenta ng bigas na huwag samantalahin ang sitwasyon para magtaas ng presyo.
– Judith Larino